TO YOU WHOM I KEEP ON WAITING – sorry na agad

Reasons I jotted down to justify bakit nga ba hindi natatapos yung paghihintay ko.


1. Why do I like him?

  • at first talaga is because gwapo naman talaga sya kaya nga andami ding nagkakacrush sa kanya minsan nga nahihiya nako kasi parang feeling ko nakikipagagawan pako (PRIDE IT IS haha) pero sure ako na its Love at first sight.
  • pero ngayon, why do I like him? Nasabi ko na sa kanya to – kasi alam ko na magiging mabuti syang ama (kahit na iniinsist nya na hindi kasi di naman daw nya naranasan)

2. Why I’m still staying even though I was rejected multiple times?

  • sa daming beses kasi na ang kapal ng mukha ko na umamin ng feelings ko at tanungin sya if may chance ba o wala talaga para makapag move forward nako e di ko na matandaan ilang beses yun at ilang beses din ako nareject HAHA. Kaya multiple times nalang HAHA.
  • pero scam kasi nandito pa din ako umaasa? oo ata HAHA
  • just this moment (today – 5/2/21) narealize ko bat nga ba ako nagstay pa din? Bat ba di ako makalet go? Bat ba I’m still waiting kahit malinaw naman na pinakita nyang “Friendship lang”? – dun biglang pumasok sa isip ko na the reason is nung araw na nakita ko sya sa isang drugstore na namumula at matamlay yung mata, medyo haggard yung face (pero syempre gwapo pa din haha!) halata mong may sakit (actually di ko na maalala kung talaga bang may sakit sya o inassume ko lang kasi nga ganun itsura nya) so i assumed na din na bumibili sya ng gamot. Alamo yung naramdaman ko na di ako naawa e, natouch yung heart ko na – this man needs someone to take good care of him kasi he deserves it – which will prove sa third point ko.

3. Why do I feel the need to give him love and care even if it’s only “as a friend”?

  • simply because he deserves it. Why? He’s a good person. Mukha lang syang selfish but he’s not. Meron kasing fear in his heart na noon di ko mainti-intindihan bakit di nya mapagtagumpayan until I realized – hindi lang sya takot – he is broken – broken into pieces that even him do not know how to fix himself – na yung mismong brokenness nya di nya alam na he is. (purely my own observation hehe!)
  • he is a good person kasi he always gives love lalo sa mga taong mahalaga sa kanya.

4. What am I afraid of?

  • tulad nga nung tula na bigla kong naisip din ngayon na gawin pero mas nauna dito sa mga points nato.
  • this one:

may isang pagdating sa buhay ko

na sa tuwing sasagi sa isipan ko

ay natatakot ako

ang dumating ang isang araw

sa puso ko ay maramdaman

sayo ay hindi na naghihintay

  • actually dyan ako takang-taka na dapat nga masaya ako kasi makakalaya nako sa sobrang sakit na unrequited love nato for a very long time na! Pero instead of feeling happy, natatakot ako. Naisip ko baka kasi sya talaga yung gusto ko. Naisip ko din na he is the person na gusto kong mapasaya bukod sa family ko.
  • at nakakatawa yun kasi what if hindi ako yung kailangan nya para sumaya sya? Pero in reality naman hindi naman talaga ako pero I still want and will always choose to stay.

5. When do I think I can finally move forward?

  • kapag dumating na yung para sa kanya
  • kapag masaya na sya
  • but not necessarily na aantayin ko pa syang makasal basta makita ko na meron ng nagaalaga sa kanya, na di na sya mag-isa, then that’s the time. I know it would hurt like hell but I will be very happy para sa kanya kasi deserve nya yun. Sobrang deserve nya yun.

Susuko ako di dahil wala akong pag-asa

Titigil ako di dahil sa hanggang friends lang

Aalis ako di dahil napagod ako

Susuko ako,

Titigil ako,

At aalis ako

Kapag masaya ka na

Kapag may nagaalaga na sayo

Kapag okay ka na

Oo nagbabago ang mga salita

Pero sigurado ako kahit sa mga susunod pang mga araw, buwan at taon

Na yan lang ang tanging paraan

Upang makalakad muli ako

Pero sa pagkakataong yun

Papalayo na sayo.

Exit mobile version