Ang Alamat ng Single
Noong unang panahon, sa di kalayuang lugar, like jan lang sa kabilang kanto, may isang babae na ang pangalan ay Gel.
Si Gel ay maganda. Makinang ang kanyang mga mata. Ang eyeballs nya ay kumukutikutitap, bumusi-busilak.
Ang kanyang buhok ay makintab, parang bagong rebond.
Ang kutis nya ay ‘sing puti ng sa artistang bagong gluta.
At ang kanyang tinig, walang kasing lamig, parang kay Elsa.
Dahil sa ganda ng tinig ni Gel, lagi syang ina-ask ng kanyang amang hari na makipag-duet kasama ng mga prinsipe galing sa ibang kaharian.
“Amang hari, hindi pa po kasi ako ready makipagduet. For now po, magpapractice po muna ako sa shower,” sabi ni Gel.
Walang magawa ang amang hari kundi madismaya. Taon taon ay ganto ang eksena. Mauuwi lang sa pagtanggi ni Gel.
“Sana maintindihan ni ama na ang gusto ko lang ay magpractice muna. And ayoko rin makipagduet sa kung sino sino lang,” sabi ni Gel sa sarili.
Isang gabi, sa isang party, hiniling ulit ni amang hari na maki pagduet si Gel sa isang prinsipe galing sa kaharian ng Pokmaru.
“Anak, Gel, makinig ka. Si Maru ay prinsipe galing sa matitipunong lahi ng Pokmaru. Magduet na kayo. Time na para makipagduet ka. Kung hindi ka makikipagduet sa kanya, hindi na kita irereto sa kahit kaninong prinsipe ngayon, bukas o magpakailanman,” may pagbabantang sabi ni amang hari.
“Now na Gel, Sing with Maru. Sing, Gel! Sing, Gel! Sing!” ang sigaw ni amang hari na may kasamang pangpre-pressure.
Ngunit hindi kumanta si Gel.
Napahiya ang hari.
“Ipinahiya mo ko sa mga kumpare kong hari at sa mga amiga ng inang reyna mo. I heytchu, Gel! Isinisumpa ko, dahil hindi ka nag-sing, Gel, ikaw ay magiging single forever,” sabi ni amang hari.”
“Simula ngayon, tatawagin ka nilang, SINGLE.
Kailanman ay wala ka nang makakaduet.
At ang tanging mahahawakan lang ng iyong kanang kamay ay ang kaliwa mo ring kamay. Yan ang parusa mo,” galit na sambit ni amang hari.”
“Single ka na forever, Gel. Sorry na lang for you.”
The end.
Pero syempre, alamat lang to.
Hindi ito totoo.
Ang pagiging single ay hindi po sumpa.
Singleness is not a punishment.
And a relationship is not a reward.
Wag mabiktima ng alamat.
Embrace your season. Whatever that is, God has His reasons for keeping you there.
There’s singleness because this is the perfect time for God to refine you for whatever purpose He intends for you — relationship man yan, marriage, or a lifetime of singleness.