Napaisip ka nanaman ba?
Anong kulang at mag isa ka nanaman?
Mag aaraw nanaman ng mga puso
At heto nanaman tayo mag sasana all sa mga mag jowang makakasalubong sa daan.
Isang tanong na alam kong hindi tama ngunit di maiwasang pumasok sa isipan. Bakit kailangan may masaktan?
Bakit kailangan may mangiiwan at iiwanan? Kaya di masisi na may mga taong ayaw pagdaanan ang ika labing-apat ng pebrero ng taon;
Dahil ito ang nagpapaala ng kanilang pagka sawi at itatanong kelan pa darating ang kanilang panahon.
May kulang ba talaga? Iisang sagot lamang: Walang kulang.
Isa kang mabuti at magandang nilalang. Maaaring may kulang man sa iba pero sa tamang tao kaya itong punan.
Dahil sa tamang tao, walang kulang, lahat ay sakto lamang.
Kaya’t ngayong araw ng mga puso,
tandaan na hindi pagkakaroon ng jowa o asawa ang laging sukatan;
Kaya mong maging masaya na may kasamang kaibigan;
Kaya mong maging masaya na may kasamang pamilyang makakapitan
Kaya mong maging masaya na may kaklase or katrabaho na kakulitan; Kaya mong maging masaya ng mag isa lamang.
Habang nag aantay sa tamang tao at tamang panahon,
Maging masaya ka munang mag isa, Wag mag alala dahil darating rin siya,
Pero sa ngayon, maki sana all ka muna.