Ang dating ikaw at ako, at ang kayo dahil never naging tayo

Ilang beses ko nga bang pinag-isipan kung tama bang mahalaga ka lang sakino. Yung tama bang aalagaan lang kita. Yung sasandalan mo kapag nahihirapan. TAMA NAMAN NA MAHAL KITA, PERO TAMA PA BA, KAHIT NAPAPASAYA KA NA NG IBA?

Nagsimula kasi tayo sa pagkakaibigan, nagbibiruan, naghahatakan, nagtatampuhan, naglalambingan hanggang sa hindi na namalayang nagkagustuhan. Ang dating batukan, tulakan at hampasan napalitan ng yakapan, haplusan at minsan nga ginagawa mo pang unan. Ang dating “uy may assignment ka na? Pakopya naman” ay napunta sa “kumain ka na ba?” “Oo ikaw?” “May sakit ka? Uminom ka na ba ng gamot?””uy wag ka ng magtampo”. Ang dating panggugulo mo sa akin sa tuwing may ginagawa ay nagustuhan ko na. Ang dating ako binuhay ng ikaw….pero walang tayo. Ang sabi mo kasi hindi ka pa handa, kaya heto ako naghintay sa panahong handa ka na. Ang dating kaibigan ko na ikaw ay may iba ng kaibigan. Tumatanda lang siguro tayo, nagmamature ganon. Pero sa nakikita ko ngayon? Ikaw… pero wala ako. Nagmamature na nga ako kasi nakikita ko ng malabong maging tayo. Kapag nga tinatanong ng mga kabarkada ko kung sino ka sa buhay ko nawawalan ako ng boses. Sino ba namang taong may lakas ng loob na sabihin na naging kaMU mo ang isang babaeng may kasamang lalaki na ngayon ay kasama na niya sa mga kulitan. Marami din kasi ang kahulugan ng MU. Pwedeng Mutual Understanding, yung pareho kayong umiintindi pero hindi naman inamin na ikaw yung tinutukoy ng MU niya. Pwede ring Morning, Umaga. Yung maggugoodmorning ka at siya naman magandang umaga pero yung “I love you” niya nakalaan sa iba. Pero pwede namang MU as in Magdamag Umiiyak habang iniiyakan niya ang iba. Pero ngayon gusto kong sabihin sayo na “Ang dating ngiti mo ay kaligayahan ko parin naman hanggang ngayon pero alam kong ang kaligayahan mo ay hindi kelan man naging ako.”

Exit mobile version