Ano ba talaga ako sayo kaibigan lang o kinaka-ibigan mo sa tuwing bored ka lang o malungkot. Ayoko na sabi ng utak ko, pero ang puso ko sinasabing gustong gusto ka parin. Pilit ko ng pinipigilan ang nararamdaman ko pero sa tuwing nakikita ka lahat ng plano kong kalimutan ka nawawala. Ang hirap umiwas kung araw araw nakikita ka. Araw araw nababasa mga post mo na hindi para sa akin. Sana malaman mo kung paano mo dinudurog ang puso ko ng sobra. Gusto ko na mawala ito at magising sa katotohanang hindi pwede maging tayo.