Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Wala na akong ibang masasabi kundi, salamat.
Salamat dahil kahit sa ilang buwan lamang napangiti mo ako. Naparamdam mong may taong inaalalayan ako kapag nanghihina ako. Benta sa ‘kin ang mga biro mo at pang-aasar mo, pakiramdam ko kasi kapag ganoon tanggap mo ako. Namumula ang pisngi ko kapag tinititigan mo ako, natutunaw puso ko dahil sa ideya na sana ako lang talaga ang tinitibok ng puso mo.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Salamat kasi pinunasan mo ang mga luha ko. Sa hirap at ginhawa, sa mga panahong nauubos ako, nanatili ka sa tabi ko. Minsan akong nakampante sa ‘yo dahil sabi mo bubuuin mo ako, pero isa ka lang din pala sa mga dudurog sa puso ko.
Pero kahit ganoon, salamat pa rin. Salamat, natuto ako.
Natuto akong itayo ang sarili ko pagkatapos kong maiwan sa pagkakadapa. Kaya ko nang punasan ang sarili kong luha. Natutunan kong ayusan ang sarili ko nang hindi iniisip na para sa ‘yo ‘yon. Buong akala ko, pinahamak mo ako, pero sa gitna ng laban tinuruan mo pala akong pagtagumpayan ang sarili ko.
Kung hindi nadurog ang puso ko, hindi ko mahahanap ang tunay na bubuo nito. Pinakita mo sa akin ang tunay na mundo. Namulat ang mata ako at nagising ang diwa ako. Nahanap ako ang halaga ko at nagkaroon ako ng isang malaking panalangin para sa henerasyon ko- na sana pag dumating ang araw na maranasan rin nila ito, ang Diyos ang unang tatakbuhan ng mga basag nilang pagkatao.