Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hi,

Dyan tayo nagsimula na para bang masaya tayo na bumabati sa isat isa, hanggang sa naging magkaclose tayo at maging magkasangga,

ang sarap lang balikan dahil masaya tayong nag simula, ngunit bakit ngayon tayo ay nandito na sa dulo at biglaan nalang nawala.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Dumating tayo sa panahong alam kong mahal natin ang isat isa ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo,

haha kanta siya no ? pero totoo, na kada lapit ko ay lalong humihigpit,sumisikip, at doble ang hakbang mo palayo?

Mayroon tayong magandang simula noong nagdesisyon tayong ilaban yung ating nararamdaman,

alam ko ika’y palaban pero bakit ngayon ako’y iiwan mag isang lumalaban?

Noong pasimula alam kong talo na pero pinanghawakan ko yung mga pangako at planong ating nabuo,

pangko at planong ating nabuo na ngayon pangakong napako at mga plaong gumuho.

Lahat ng mga masasayang alaala bigla nalang itong mawawala dahil sa binangon mong kasinungalingan,

kasinungalingan na mas matatangap ko pa kung totoo yung iyong mga sinambit na mga dahilan,

ngunit hindi, mas pinili mong sabihin ang mali para ano ? bumabaw ang iyong mga kasalanan ?

sa pasimula ay nag iwan ako sayo ng mga katagang ” mas mabuti nang masaktan sa totoo at hindi sa kasinungalingan”,

pero bakit parang hindi mo na yata nalalaman at iyong biglaang kinalimutan.

Pero wala, wala na akong magagawa, malugod ko nang tatanggapin,

na sa pagmamahal na larangan ay lagi akong talunan,

ganito na yata talaga, hindi tayo pwedeng magmahal ng taong may mahal pang iba,

at hindi ito madaling palitan lalo kapag ang taong ito ay mismong ayaw niya.

Salamat sa mga oras, panahon at pagmamahal na baon natin lagi para sa isat isa,

siguro mas madami lang yung baon ko at sayo ay dali daling naubos na.

Salamat kahit na nagpundar ako para satin pero mawawala ka din pala sakin,

hindi ko sinabi agad sayo dahil gusto kong malaman mo ito kapag ika’y saakin.

Ngunit tila wala nang pag asa pang matupad ito at para itong mga mata ko,

na kahit malaki, at bilugan ay mananatili parin itong malabo.

Ang aking tangin hiling, matupad mo sana yung mga susunod mong pangako,

hindi man sakin, sa iba man pero wag na sana ulit itong mapako.

Pero lagi mong tatandaan na, maiwanan ka man ng lahat pero hindi ako,

dahil ako lagi lang akong mag aabang sa pagbalik at pagsuyo mo. ♥

Iloveyou♥

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required