Gusto kita kaso….

260

Gusto kita kaso may mahal kang iba…

Gusto kita kaso hanggang kaibigan lang ang tingin mo sakin…

Gusto kita kaso may nanliligaw na sayo…

Gusto kita kaso hindi ako ang tipo mong lalaki…

Gusto kita kaso di ko alam kung magugustuhan mo rin kaya ako…

Gusto kita kaso tinawanan mo lang ako nung umamin ako sayo…

Gusto kita kaso hanggang dun lang talaga… Hanggang gusto lang kita…

Ngunit ganon pa man, masaya ako para sa taong gusto ko. Masaya akong makita ka ngayon na masaya. Sana kapag pwede na, pwede pa….

Masaya akong makita ka na maligaya sa piling nya, masaya ako dahil sa ikli nang panahon na nakausap kita napasaya mo ako at napasaya kita. Kahit hanggang gusto lang kita, asahan mong andito ako bilang kaibigan mo, na malalapitan mo kapag may problema ka. Naka handa akong tulungan ka kapag kinailangan mo ang tulong ko. At umaasa pa rin ako na sana balang araw, pagtatagpuin ulit tayo nang tadhana.