Sanay akong mag-isa,sanay akong walang kasama at walang nag papasaya buhay single sabi nga nila.Ngunit isang araw dumating ka.Ginising mo ang puso kung natutulog di ba?Sunod-sunod mong chat,may pa miss call pa.Hanggang ayon nag katanungan,nag kakilanlan.At aking nalaman ika’y hindi pwede maging aking kailanman dahil ikaw ay May pananagutan.Biglang nalungkot sa aking nalaman lumipas ang mga araw patuloy kang nariyan.Nagtatanung,nagkwento sa maghapong nagdaan .Siguro naiinip ka lang din dyan sa abroad Kaya Akoy pinag tritripan.

Usap dito,tawag doon sa totoo lang namimiss na kita buong maghapon.Lalong puso’y nabuksan nang una mo akong awitan.Puyatan,walang kasawaan.M.U. tayo kung minsan,walang label,malabong usapan.Di makita ang katotohanan.Basta ang ating alam masaya sa oras ng kwentuhan.

Hanggang dumating mayroon na akong naramdaman.Bakit namimiss kita?Bakit di buo ang araw ko pag walang mensahe galing sayo?Bakit ikay laman na ng isip ko?At pag tumawag na bigla na lang may saya.

Ikaw ba’y iniibig na?Mahal na yata kita!

Alam kung mali ,bakit patuloy pa rin?Alam kung mali pero bakit ang hirap gawin!Alam kung mali pero bakit ang hirap itama?Minsan,natatakot ako dahil alam ko Di naman to pang matagalan.Pero sa ngayon basta masaya ako.Saka na lang iiyak.Saka na lang lahat.

Kumanta ka pa sakin,kinantahan mo pa ako.Hindi ko alam yun na pala yung huling maririnig ko yung boses mo.Huling araw na magkausap tayo,masaya pa.Hanggang,nagmessage ka may sasabihin dw sya mahalaga ang una pa nga nyang salita”wag mo ikagagalit ha!?

”Mali ito para sayo at Mali ito para sa akin”kailangan mo na akong layuan.Ako’y napatigil,nag babadyang luha ko’y pinigil.

Pinasaya,pinakilig sa maikling panahon.

Nasanay lang siguro ako Kaya ganon?

Puso ko ngayo’y luhaan sa kahapon.