Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Maaari bang umutang
Na di ko agad babayaran?
At sa ganitong paraan
Ay di mo ko malimutan.

Maaari bang umutang
Kahit limang segundo lang?
Makita kang nakangiti,
At walang luha sa pisngi.

Dahil sa bawat galaw mo,
Tila oras ay humihinto.
At sa tuwing kausap ka,
Mundo ko ay nag-iiba.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Maaari bang umutang
Kahit limang dahilan lang?
Na ika’y di magustuhan,
At mahulog ng tuluyan.

Maaari bang umutang
Kahit limang linggo lamang?
Upang sa’yo’y patunayan,
Ang sarili’t katauhan.

At kung hindi man palarin,
Maluwag na tatanggapin.
Sagot mo’y irerespeto,
Mamahalin ka sa malayo.

Pautang kahit lima lang,
Bayad ay matatagalan,
Ngunit aking tutubuan
Ng aking buong katapatan.

FIN.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required