Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ko alam paano sisimulan
Isang liham na sayo’y ilalaan
Mga bagay na aking ikinababahala
Heto’t aking ilalathala

Ako’y nadadala sa iyong mga titig
Animo’y may gustong ipahiwatig
Mga salitang hindi ko kayang paniwalaan
Sapagkat ito’y di makatotohanan

Ngunit ang puso’y tila iba ang nais
Nadadala sa iyong mga galaw na kay tamis
Sapat na nga ba na ako’y umasa
Kahit sa iyo’y walang pag asa

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ito nga ba’y isang kathang isip lamang?
O ang katotohanan ay ikinukubli lang?
Mga lihim at takot na nakakulong
Kailan nga ba maibubulong?

Sa liham kong ito’y sana magkaroon ng kasagutan
Ng aking puso’y maiwasan ang masugatan
Nararamdaman ba natin ay iisa?
O ako lang nakakaramdam mag isa?

Hindi ko alam paano sisimulan
Hindi ko din alam paano wawakasan
Ngunit kung ito man ay isang palaisipan
Sana ito’y aking masolusyunan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required