Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mag-intay,salitang sinasabi ko

Mainip,matagal pero kailangan

Minsan tinatanung ko”Asan ka na?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Anu kaya ginagawa mo?Iniisip mo rin ba ako?

T’wing naiisip kita,Napapatigil ako

Kukuha ng kwaderno at mag sisimulang sumulat sayo;

Matagal na kitang inaantay,Matagal na kitang pinapangarap.

”Na sana matagpuan na kita”

”Na sana makilala na kita”

Pero sa ngayon lahat ng “Sana Ko”

lahat ay ilusyon.

Alam ko isang araw lahat ng ito’y magkatotoo;

At pag dumating ang araw na yun,

”Yung araw na itinadhana ng Diyos”

Mapapangiti ako,ngiti na di ko na mamalayan pumapatak na pala ang luha ng dahil sa saya.

Ano kaya itsura mo?Matangkad ka kaya?

Maputi?Magandang ngumiti?

Pero ang alam ko maganda ang iyong mata.

Patuloy akong mag-iintay,kahit ilang bwan o taon pa,

Wag kang mag alala,Di ako titingin sa iba

Dahil ikaw,kahit di pa kita kilala

Ramdam ko na tayo’y para sa isa’t-isa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required