Nagbilang ako…

Isa, dalawa, tatlo…
Paglingon ko’y wala ka na sa tabi ko.
Hinagilap ka sa malayo at nakita ko
Gamit ang dalawang mata ko
Ika’y nakabungisngis sa tabi ng isang bagong tao

Ang maliwanag na mundo ay biglang nanlumo
Nagdilim ang paningin ko
Na tila’y nabulag ang mga mata ko
Heto…

Nakatingin sa malayo…
Palayo ng palayo…
Hanggang nawala ang mukha mo sa loob ng isip ko…
Akap ng mahigpit ang sakit na iniwan sa aking tabi…

Nagluluksa kasama ang malamig na hangin…
Inabot na nang dilim…
At namulat sa panaginip…
Na Ika’y…
Tulayan nang umalis.