Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Paano ba natin nalalaman kapag ” in love” na tayo? ‘yung iba kasi ano, ‘yung iba napapagawa ng tula, napapasayaw kahit mas matigas pa sa bato ‘yung katawan, meron ‘yung biglang sumisipag sa bahay pati paper plates hinuhugasan tapos may iba napapakanta kahit na ‘yung mga ibon pasabog na sa sooobrang sintunado ng boses nung tao tapos ‘yung pinaka famous naman eh ‘yung napapangiti habang nagsasandok ng kanin tapos mali naman ‘yung way niya pag magsasandok. Pero paano kapag hindi mo na-feel ‘yon while seeing someone? I mean, kinikilig ka ha, tapos sa mga simpleng post naiisip mo siya pati rito siya naiisip mo oh hala napapangiti ka luh parang tanga siya oh. Pero RT, paano mo nalalaman? Hindi ka ba confused lang? Hindi ka ba parang na-excite lang kasi parang may nakakuha ng loob mo o may nakaintindi sa’yo? Paano mo sasabihin sa tao na gusto mo siya pero hindi mo alam kung “gusto-gusto” mo ba talaga siya? Ang gulo hindi ba? Pero kapag tinamaan ka kasi susugal at susugal ka parang tong-its although hindi ka naman marunong mag sugal. Kapag tinamaan ka kahit nakakatakot, kahit hindi ka sure susugal ka, sugal lang nang sugal kahit nakakakot na baka isang araw matapos na lang kayo tapos babalik ka na naman sa umpisa. Pero paano mo nga ba mamalaman kung “in love” ka na? Kasi baka na-excite ka lang sa presence niya o baka naman talagang napasok niya lang ang standars mo na hindi sinasadya