Iiyak pero hindi susuko !

    27

    Count your blessing, kasi naniniwala ako na mas malaki pa rin yun kesa sa pinagdadaanan mo ngayon. Alam ko mahirap, nakakapagod, wala kang nakikita pag asa at higit sa lahat yung pakiramdam na walang nakakaintindi sa nararamdaman mo.

    Tandaan mo, GOD always find the ways, muli makasama ka at mayakap masabi  sayo “magiging maayos lahat kasama mo ko”

    Ngunit minsan hindi agad natin naririnig ang KANYA tinig, habang pakiramdam mo nagiisa ka paglalakad sa madilim na mundo mo, damhin mo ang sakit, yakapin ang kahinaan mo, pagmasdan mo sarili sa repleksyon ng salamin. Ikaw yan na hindi sumusuko sa hamon ng buhay.

    Tumayo ka, humakbang ka dahan dahan,, pag masdan mo ang liwanag sa labas ng madilim mo na mundo. Wag kang matakot harapin ang sakit, pait ng buhay at pagkabigo lahat ng yan ang magiging kalakasan mo sa pagdating ng bagong umaga.

    Kaya mo yan, alalahanin mo mga panahon, mas marami ka napag daanan..mas mahirap mas mabigat pero kinaya mo,. Alalahanin mo mga tao nagtitiwala pa rin sayo at nanalangin ng lihim na hindi ka susuko sa pinagdadaanan mo ngayon,

    Kaya mo yan kaibigan. Hayaan mo dumaloy ang luha mo, upang mahugasan ang mukha mo at puso mo puno na mabigat na dalahin.

    Magiging maayos din ang lahat ….kaya tiwala lang  hindi man ngayon pero darating din panahon mawawala din yan… bes kape tayo 🙂