Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sobrang saya ko sa mga oras na ramdam kong ako lang.
Tuwang tuwa ako sa mga oras na nauuna mo kong naiisip bago iyong sarili at ang ibang tao
Kinikilig ako kung hawak mo mga kamay ko.
Sa bawat ngiti mo na alam ko na ako ang dahilan
Sa bawat yakap at halik mo na may pagmamahal
Sa bawat pag aalala at pag aalaga
Puso ko ay busog at puno ng sigla
Ngunit tila nga palabiro ang tadhana
Pagkat sa bawat araw na puso ko ay masaya
Kapalit ay isang linggong lungkot at pagluha
Kaya’t di maiwasang magtanong sa sarili:
Kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang lumaban sa laban na wala ka namang kalaban laban noong una pa lang?
Kaya mo ba? Kaya mo pa bang bumangon kahit hinang hina ka na?
Kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang magpanggap na di ka nasasaktan kahit buong pagkatao mo ay nawasak na?
Kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang buoin ang iyong sarili kahit ikaw ay durog na durog na?]Hanggang kelan mo lolokohin ang iyong sarili? Hanggang kelan ka magkukunwari?
Na ikaw ay malakas, pero sa totoo, wala ng mailabas.
At hanggang kelan ka ba aasa?
Hanggang kelan ka aasa na ang mga nabanggit sa simula ay totoo at hindi pagbabalatkayo?
Hanggang kelan ka aasa na gagawin nya mga iyon, nang walang harang at takip mula sa tanaw ng ibang tao.
Pakiusap, gumising ka.
Gumising ka na sa katotohanang option ka lang ng iyong inuuna.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required