Nakakapagod magmahal
Nakakapagod ilaan yung oras mo para sa ibang tao
Nakakapagod isipin na ginagawa ko lahat ito
kahit walang kasiguraduhan sa huli kung magkakaroon nga
ba ng “tayo”
Nakakapagod unawain na kaya mo lang nagagawang kausapin ang tulad ko
ay dahil kailangan mo nang pansamantalang pupuno d’yan sa puso mo

Nakakapagod magmahal
Nakakapagod umasa na baka sakaling magustuhan mo rin ako
Nakakapagod na maging kaibigan lang palagi sa paningin mo
Nakakapagod maramdaman na sa tuwing kayo ay may pagtatalo, doon ko
nararamdaman na kahit papaano ako yung nanalo dahil ako yung takbuhan mo.
Nakakapagod maging pansamantala mo kahit no’ng una pa lang
ako na yung palaging nariyan sa tabi mo

Kaya sa pagkakataong ito, pipiliin ko nang ipahinga ang puso ko
Pipiliin nang kalimutan at isantabi ang nararamdaman para sayo
dahil sa pagkakataong ito, pipiliin ko naman yung sarili ko
Nakakapagod kang mahalin pero hindi dapat ako mapagod mahalin din ang sarili ko