Pangako, ako’y maghihintay.

93


Kailan nga ba napagtanto ng puso na Ikaw ay gusto ko na? Noon bang ako’y iyong kinamusta? O di kaya noong nagkatinginan tayo ng mata sa mata? Hindi lubos maisip kung bakit nga ba?

Nagising ako isang araw,  Laman ng isip ay ikaw Ang hinaharap sa aking isipa’y bumalitawtaw. Posible bang tadhana sa atin ay dumalaw?

Pilit na tinatago ang lihim na pagtingin sapagkat natatakot na hindi mo pansinin. Kaya’t patuloy ko paring ipinapanalangin Na sana isang araw ako rin ay iyong mahalin.

Ayaw kitang pangunahan. Baka mauwi lang sa kamalian Ang sana’y walang hangganan At baka tayo pa ay magkasakitan

Ngunit huwag kang mag-alala Sapagkat hihintayin kita Hanggang sa maging sigurado ka na At masasabi mong ikaw ay handa na.

Sa panahon na inilaan para sa ating dalawa, Sa panahon na wala nang pagdududa, Sa panahong sigurado na tayo sa isa’t-isa, Sa panahong Maykapal na ang nagtakda.