Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

You are so beautiful and smart. Di ko maexplain, pero there is something in you na gustong gusto ko eh. Siguro I like your voice. Always so calm. You’re very stubborn, masungit and moody pero I really don’t mind. I want to hug you everyday kung pwede lang. Pero alam ko din na you want to be alone sometimes so hindi ko winiwish na makasama or makausap ka minuminuto. I know you hate that. Di kita kinakausap pag tahimik ka lang or wala ka sa mood. I respect your silence, okay lang din naman sa akin yung tahimik lang. Pero I’m still willing to be by your side if you want to. Like manuod lang ng favorite mong movies or tv shows habang nakahiga, mag fofood trip or mag lalaro. Di kita ginigising pag natutulog ka kahit ang tagal ko ng naghihintay sa bahay nyo. I really love watching you sleeping. I like to surprise you always kaya sorry if the gifts were too much.

Right now, galit ako eh. Galit ako sa sarili ko kasi sobrang naliligaw na ako. Naalala mo yung 3 principles ko?

Give but dont expect
Advice but dont command
Ask but dont demand

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi ko na kasi magawa. Dati ok lang ako. Ok lang ako na ibigay ko lahat to make you happy kasi i love you at hindi ako nag eexpect ng anything. Di ko hinihintay na mag i love you too ka (kahit as a friend lang to) sa akin pag sinasabi kong how much I love you. Di ko hinihintay na mag reply ka pag nag chachat ako. Di ko hinihintay na mag agree ka na makipag kita sa akin pag inaaya kita. Di ako nag eexpect na maibalik mo yung feelings ko for you kasi sobrang sakit pag ginawa ko pa yun sa sarili ko. Minamahal lang kita ng malaya. Basta masaya na ako pag masaya ka din.

Kaso iba na ngayon. After mong sabihin sa akin na mahal mo din ako, na you have feelings for me too, na gusto mong itry yung chance nating dalawa. Kaso hindi pwede. Impossible sa ngayon. Ewan, sa palagay ko nga hindi na talaga pwede kahit sa ibang panahon pa. I’m so lost na di ko na magawa na hindi mag expect ng kahit ano galing sayo. Lagi kong inaasahan yung i love you mo. Lagi kong hinahanap yung chat mo. Lagi kong hinihintay na makipag kita ka sa akin. Pinakamasakit pa na inamin mo sa akin na pinipigilan mo yung feelings mo for me kasi hindi pwede, hindi tama, dahil hindi ka naman malaya.

I can be you best friend and your lover sabi ko nga sayo diba. Dito lang ako susupport kita sa kung ano man gawin mo. Sineset aside ko yung feelings ko for you and your relationship. I know mahal mo yung boyfriend mo and you really care. Kaya nga hindi ako yung pinipili mo ngayon eh. Naiitindihan ko naman. I’m willing to wait kahit gaano pa katagal. Mahal kita eh. As a friend, best friend or lover mo pa. Di ka na mawawala sa puso ko. Lagi ka ng may special place. Ang laki ng nadulot mong impact sa buhay ko. Galit din ako kasi narerealize ko na ang selfless ko pala. Na kaya kong gawin na mag bigay at unahin yung iba ng paulit-ulit. Pero wala akong pinagsisisihan.

I already decided na din na mag patattoo dedicated sa feelings ko na to for you. Syempre that would be also a visual representation of myself, about my gender identity.

I’m so thankful nakilala kita. Loving you is the sweetest and very painful thing that ever happened to me.

I love you P.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required