Mahirap magkaron ng Jowa, Bebe, Mahal, o BabyCakes na lagi nasa Mood Swing..

 

‘lam mo yun?? away kayo sa umaga, magbabati sa gabi, o kaya minsan baliktad. Break up kayo today, kayo na ulit bukas. Minsan yung alam mo na biruan nyo lang, sineryoso nya pala kaya bigla bigla nagtatampo nanaman sya sa’yo.

Mahirap yun tol, kapag toyoin ka rin, or kapag maiksi ang pasensya mo?? Kapag sinasabayan mo rin yung toyo nya?? Ekis ‘yun tol.. kasi kapag di sya nagpaka siomai sa toyo mo, ending nun toyo lang kayo pareho, walang mangyayari, mag aaway lang kayo pareho.. Swerte mo tol kung lalambingin or kung nilalambing ka nya kapag may toyo ka kasi syempre, tayo ang lagi naglalambing sa kanila kapag may toyo sila.. pag nilambing ka nya tol, syempre ibig sabihin nun mahal nyo ang isa’t isa..

 

Share ko lang yung first time na nagtampo ako sa bebe kong selosa..

hinatid ko sya sa spot kung saan sya nasakay ng jeep pauwe, ayaw nya nga kasi magpahatid sa kanila that time, gusto nya, hahatid ko lang sya dun sa sakayan nya ng jeep. So as usual, lambingan, harutan, kwentuhan, hanggang sa maubos na yung pabango ko sa shirt ko(gusto nya kasi lagi syang naka subsob sa dibdib ko kapag magkasama kaming nag aabang ng jeep na masasakyan)

naikwento ko sa kanya na may babaeng kapareho nya ng scent ng perfume ang nakasalubong ko sa mall.. Hala!! nagalit bigla si mahal, biglang ayaw na nya pahawak sa kamay, sa bewang, e mapilit ako, gusto kong hinahawakan ko sya lagi pag magka sama kami, Hala!! ayun, nagalit. Sabi nya “Wag moko hawakan, Usap lang, walang hawakan”. E tinoyo ako bigla, sabi ko “OK” tapos tinalikuran ko, di ko pinapansin, ready ko na sya parahan ng jeep at pasakayin pauwe. E 20mins na wala paring nadaan na jeep (im still holding my possition kung pano ko sya tinalikuran, di ako nagalaw) 2a.m na kasi that time, konti nalang nadaan na jeep.

sa isip isip ko (“Lambingin mo naman ako oh, di naman mabiro to”) then ayun na nga yung hinihintay ko. Niyakap ako ng bebe ko galing sa likod, nilapat nya mukha nya sa likod ko at nag sorry sa pagka selosa daw nya. Which is ok lang naman kasi alam kong may mali din ako..

 

Wala lang share ko lang.. hehe.. ang sarap lang din pala sa feeling na nilalambing ka ng taong ikaw lagi ang lumalambing..

Ah ewan?? basta.. Yung tittle ko sa content ko lihis na yata?? hehe

 

basta mga tol, kapag lagi nasa mood swing mga bebe nyo, intindihin nyo nalang, habaan nyo pasensya nyo, unawain nyo nalang, lambingi nyo o suyuin nyo, dahil once na sya naman ang sumuyo, lumambing, at umintindi sa iyo, sabi sa’yo pre, ang sarap sa feeling.. Pereng neseye ne eng lehet.. hehehe