‘Di bale na nga lang

28


Hanggang kailan ko ba maitatago?
Na palihim kitang sinusulyapan kapag nakatingin ka sa malayo.

Hanggang kailan ko ba maikukubli?
Pagkatunaw ng puso ko kapag nakikita kang ngumingiti?

Gaano nga ba kasaya?
Kapag andyan ka na sa tabi at maghapon kang kasama.

Bakit ako nangangamba?
Dahil ba ako’y natatakot na baka kinabukasan hindi na tayo ganito kasaya?

Hindi ba’t wala namang dapat ipangamba?
Dahil wala naman akong balak na sabihin ito sayo dahil alam kong sa puso mo,
may nag mamay-ari nang iba.