PANGAKO by M.M.B

284

Pangako,ikaw lang
Pangako,iingatan kita
Pangako,papakasalan kita
Pangako..

Mga salitang sadyang naglaho.
Pangakong hindi tinupad
na nagdulot ng bangungut,
Pinilit nilimot ngunit puso’y di kayang makalimot.

Pangako nung una’y nagbigay saya ay siyang sakit sa puso ang dala.
Mga tanong na pilit kong sinagot,
Bakit ako? Bakit tayo?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Naguguluhan,nasasaktan,
nanghihinayang.
Ilang taon tayong nagsama,problema’t sakuna ating kinaya.

Mga pagsubok na nagpapatatag sa relasyong akala’y panatag
Sa isang pagkakamali ,pangako mo ay nabali.

“Natukso ako” ito’y iyong sambit.
Napuno ang paligid ng katahimikan,
ng iyong sambitin mga salitang pilit na iniiwasan.

Naglaho ang mga pangarap at plano sa isa’t isa. Kasabay ng paglaho mo ay ang pagkawasak ng buhay ko. Mata’y pilit pinipikit sa alaalang mapait.

Lahat binigyan hugot, lahat binigyang pagdududa.
Kasabay ng malakas na ulan ang lakas ng paghagulgul.
Mga sakit na hindi mawari , kailan pa ba mapapawi?

Inilayo ang sarili sa lungkot at lumbay,
Pinilit kong labanan ,mga luha ay aking pinunasan. Naging matapang at dalangin aking naging sandigan.

Sa panahong ako ay sumuko ,nawala,
nalumay, at nadapa ay siyang panahong liwanag at kasiyahan aking nadama.

Pangako na naglalaho, sa Kanya hindi mapapako. Ang buhay biglang nagbago ng pag-ibig sa Kanya’y natamo.
Pag-ibig ng walang hanggan na kahit kailan hindi maglalaho.

Sa Kanya ako’y kumapit na ang buhay muling magka-awit, liwanag makakamtan basta’t ika’y manalangin lamang.
Pag-asa muling nabuhay sa pangakong iyong ibinigay.

(Jer 29:11 For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.)
God is Love.

~M.M.B~

Send me the best BW Tampal!

* indicates required