Thank you letter

Dear Mr.J,

Kanina lang, nagkita tayo. Yun yung first time na makita mo ko in person. I really expected na madidisappoint ka sakin, sa ichura ko. Siguro ineexpect mo sobrang ganda ko. But I wasn’t. Sa facebook, mahilig ako magupload ng filtered na picture. Maitim ako, mataba, pilit na brown ang buhok.

Alam mo akala ko iba ka. Akala ko iba ka na sa mga lalakeng nakilala ko. Nagkamali pala ako. Isa ka rin pala sa kanila na hindi tumitingin sa ugali, ichura rin pala ang una mong tinitingnan. Mahilig ka rin pala sa maputi at sexy, in short kabaligtaran ko. Akala ko mas una mong nagugustuhan ang ugali, nagkamali ako. Katulad ka rin nila. Katulad ka ng mga lalake na nangiiwan o bigla na lang nawawala kapag nakita na ang totoong ako, yung wala nang halong filter at edit. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap sakin na at kumuha ng tapang at lakas ng loob para magpakita sayo in person. Sobrang takot ako. Natakot ako. Kasi inaasahan ko na after nating magkita, hindi ka na magpaparamdam. At tama nga ako. Pero kahit ganun, alam mo bang inisip ko pa rin na baka tuloy tuloy pa rin paguusap natin after nating magkita, pero wala eh. Nawala na lang bigla lahat. Parang wala tayong pinagsamahan.

Alam ko namang kasalanan ko. Umasa kasi ako sa mga sweet words mo sakin. Ang tanga tanga ko. Hindi ko naalala na magkaiba pala ang pagiging friendly sa flirty. Kapag kailangan mo ng kausap, andyan ako palagi para sayo. Kapag malungkot ka, I’m doing my very best para sumaya ka. Pero ngayon ko lang napagtanto na sa lahat ng naging usapan natin ako lang ang may concern. Ni hindi mo nga nagawa na iremind ako na kumain na, na wag magpalate ng uwi. Sa sobrang pagkagusto ko sayo, nagpakabulag ako sa mga yon.

Nasasaktan ako ngayon. Sobrang baba ng self esteem and self confidence ko ngayon. Siguro nga walang makaka-appreciate ng ichura ko. Mabait lang ako pero hindi sapat yun kasi pangit ako. Ito na ang huling iyak ko para sa’yo. Kakalimutan na kita. Salamat sa panandaliang pagpapakilig sa akin sa mundong nakakapagod. Salamat sa sakit kasi may natutunan ako sa ginawa mo. Salamat.

Nagmamahal,
Girl filter