Hanggang Kailan Ko Kaya

Hanggang kailan kaya netong puso kung mag hintay?
Sa taong alam naman natin na pagkakaibigan lang ang pakay.
Sa simulat sapol ikay naging karamay
Pinipilit magka hawak ang ating kamay

Oras at lugar ang pagitan 
Magkabila man ang ating  mundo oh kaibigan
Di ko man lang alitanan
Pagkat ikaw lamang ang hinahanap sa tuwinan
Na sa iyoy nag susumamo 
Na mahalin mo na walang pero.
At hindi pakitang tao.

Minahal kita ng higit pa sa kaibigan
Na ang tanging hanggad ay mahalin mo rin ng lubusan
Pwede ba sa susunod na akoy iyong sabihan
Hindi na dahil ikaw ay aking kaibigan 
Kundi akoy iyong kaibigan.

Masyado ba akong nagmamadali? 
O ikaw itong di kayang mamili? 
Pagod ka naba sa kakapili? 
Dahil Ako pagod nadin sa kaka antay sayong maka pili. 

Sa iyong pag dating sanay ikawy makapiling
Makita at mayakap ka
Masabi sayo ng deretsahan na mahal kita. 
Oo mahal na nga kita ewan ko ba. 

Gusto ko mang wakasan etong pantasyang nasalinan
Gustohin ko mang kumawala pero bakit ayaw mo kong mawala?
Panay sabi mo na antayin muna natin na tayo ay magkita 
 
Naninigurado ka ba or sadyang wala kalang talagang gusto sakin, na ayaw mong maging akin. 
Tama na, awat na kakapagod din namang ikaw ay antayin