Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Heto ako, nalilito
May mga tanong na nais malaman
Ngunit, hanggang ngayon wala pa ring sagot
Tingnan man kita sa iyong mga mata
Ang mga bakit, paano, kailan, saan, at sino ay
Mananatiling tanong pa rin sa akin 

Heto nanaman ako, hindi mapakali
Hindi rin alam ang gagawin
Pilit nilalabanan ang mga emosyong patuloy lumalabas
Dahil kahit anong pilit, aking nararamdaman
Mananatili na lamang sa akin

Heto nanaman ako, patuloy lumalaban para sa'yo
Hindi maiwasang mahulog,
Kahit na alam kong walang sasalo
Palagi na lamang bang ganito?
Kikiligin, mahuhulog, at masasaktan
Babangon, Kikiligin, mahuhulog, masasaktan
At habang nasasaktan, iiyak dito, iiyak doon
Iiyak hanggang sa mapagod
At sa tuwing ako'y nahuhulog, 
Lumalaban ako kahit na alam kong walang tayo

Heto nanaman ako, tinatanong pa din ang mga tanong
Panandaliang kilig at saya na lamang ba ang laging mararamdaman?
Hindi na ba mararanasan ang sayang inaasam?
May lumalaban din kaya para sa akin na katulad ng paglaban ko para sa kanya?
Mayroon pa bang naghihintay na makikinig sa bawat salitang sasambitin?
At may mananatili pa kaya hanggang sa huli?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required