FRIENDS LANG KAYO BES! BAKA SUPER FRIENDS LANG TALAGA KAYO!

Bakit ka nagseselos pag nakikita mo syang masaya at close sa iba?

Bakit ka nasasaktan pag nalalaman mong nagkape silang dalawa?

Bakit apektado ka pag mas napapansin nya yung iba?

Kayo ba? Bes, friends lang kayo. Super friends. Tropa.

Imagine, ilan kayong magkakaibigan…pero…lagi silang may sariling bonding. Kape-kape til midnight, kain-kain, nood-nood, kanta-kanta…

Tas ikaw…hanggang tingin at kimkim nalang ng damdamin.
Aww.

Yung akala mo dati…bet ka nya. Kaso parang di naman pala. Bes, wag tayo sa kathang isip lang.

Baka yung ipinakita or ipinaramdam nya sayo dati eh “as friends” lang talaga.

Yung pagcomment nya sa fb posts mo, yung pagchat sayo, pagkausap, pagtabi, pag compliment…pati late night convos nyo ehh “as friends” lang. Tas nabigyan mo lang ng maling interpretation.

Or…baka naman nagustuhan ka nya talaga dati kaso impakta kasi ugali mo bes kaya na-off? Napagod sa kakatampo mo. Nagsawa ganern. Maganda ka naman, makinis, matalino, ayusin lang natin konti yung pag uugali.

Tas ngayon, mas napapansin na nya yung isa nyong kaibigan kasi sya mas mabait, mahinahon, mapagintindi, blah blah.

Bakit ka nagseselos? Bakit ka nasasaktan? Tropa ka lang naman nya.

Kala ko ba di mo bet? Kala ko ba di ka magkakagusto dun? Nyare bes??

Eh bakit ka nagkakaganyan ngayon?

Next time, be sure na stable na heart mo. At kung alam mo sa sarili mo na pokmaru ka, please layo ka muna.
Wag kang ano. Move on na kahit di naman naging kayo.

Wag asumera bes. Bawasan din pagiging maarte at pagiging war freak, but don’t worry.

Someday, someone will notice you. That “someone” will surely appreciate your personality. That “someone” will love you the way you deserve.

Baka nga nakilala ka na nya ehh at kilala mo rin sya.

Hinuhubog ka lang muna nya sa panalangin, kaya di muna sya gumagawa ng mga da moves.

So…chillax!

You deserve not the better, but the best!

Enjoy mo nalang friendship nyo. Tas wag ka na umasa sa kanya. Kasi nga…

SUPER FRIENDS LANG KAYO!