Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Simula palang sabi nila dapat kitang iwasan

Nangako ako sa sariling yayakapin ka kahit masugatan

Sinubukan kong iparanas sa’yo ang pagmamahal na walang kondisyon

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa kabila ng lungkot, sa kabila ng mga luha marami parin kasiyahan

Iningatan kita pero may mga katagang para sa’yo, kaylangan kong bitawan

Bago ko sabihin, alam kong pwede kang magalit sa’kin

Tinanggap ko rin na pwede mo akong iwan

Hindi ako nagkamali…umalis ka nga

Hinintay kitang bumalik, ilang araw, ilang buwan

Hindi ka man bumalik lagi mong tatandaan

Minahal kita, mahal kita, hinding-hindi ko maitatanggi, hindi mo man napantayan

Send me the best BW Tampal!

* indicates required