Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Para sa mga taong madalas sabihan ng “Maghiwalay na lang tayo, kung palaging ganito.” 

 

Hindi mo ba alam na ako’y lubos na nasasaktan? 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa bawat bigkas mo ng salitang iyan

Parang ang dali lang para sayo na ako’y iwan

 

Nakakalungkot, pero ramdam kong hindi tayo magtatagal

Kasi sa paningin mo, ako ay isang hangal

Alam ko na sa tagal, magtatapos ang ating pagpapagal

Mangyari man iyon, kaligayahan mo ang palagi kong ipagdarasal

 

Mga araw na tayo’y magkasama

Mananatili sa aking alaala

Hanggang sa pagtanda ay siguradong akin paring dala dala

Na minsan sa buhay ko ikaw ay nakilala

 

Hindi kita ginustong iwan

Sa iyong damdamin ay sadya lang akong naguguluhan

Kaya sa muli mong pagbigkas nang hiwalayan

Kahit ayaw ko, ikaw ay akin nang pagbibigyan

 

Sana ako ay iyong mapatawad sa lahat ng aking mali

Sana’y hindi mo itago ang iyong galit sakin hanggang sa huli

Ang mawala ka sa buhay ko’y hindi madali

Alam kong ako’y iyo ring malilimutan, Pakiusap, mag iingat ka parati

Paalam na, hanggang sa muli

Send me the best BW Tampal!

* indicates required