True Lab

Maingay lang ako

Makwela lang ako

Lahat ng dinadaan ko sa biro

Pati narin ang nararamdaman ko sayo

Malamang nalilito kana

Malamang di mo pa nakikita

O hindi mo pa nalalaman

Ang tunay kong nararamdaman

Madalas mong binabalewala

O sadyang ayaw mo lang talaga

Na ayaw mo rin makasakit

Sa mga pinapakita ko ay ikaw nalang ang pumipikit

Bakit nga ba ipagpipilitan ang ayaw

Na di madidinig kahit sabihin mo ng pasigaw

Na sa malayo ay umaalingawngaw

Ang sigaw ng puso mong gusto nang bumitaw

Kumapit ka sa bangin na walang sasalo sayo

Na yung inaasahan mo ay may iba na palang sinalo

Kinalimutan mo ang sarili mo na delikado

At ang pahulog ka at nasaktan ang yung puso

Ngayon ikaw ang may kasalanan

Na sakanya mo sinisisi ang katangahan

Nawala naman syang kinalaman

Kung bakit ka nasaktan

Bigla mong naisip kung ano ang halaga mo

Kung bakit pinili nya ang iba kaysa sayo

Na akala mo ay wala kang kwenta

At sayo ay walang nag papahalaga

Pero dimo lang nakikita

Ang tao sayo nag papahalaga

Na sayo ay umaalalay

At bumuo sayong buhay

Masyado lang nakatutok ang mundo mo sa kanya

Na wala ka nang nakikita kundi sya

At yung mga iyong nakakasama

Ay di mo na nabibigyan ang halaga

Sila yung  naryan pag malungkot ka

Sila yung nandyan pag masaya ka

Sila yung umaalalay sayo

Sa oras ng iyong pag kabigo

Pero sino ba sya na pinagpalit mo sa kanila

Na mas binigyan mo ng halaga

Na mas iningatan mo

Nasa huli ay bumigo sayo

Sya yung binibini na maganda

Sya yung may ngiti mabibighani ka

Na espesyal para sayo

Na nagpabago ng iyong mundo

Nagpabagal ng oras mo

Nagpahinto ng buhay mo

Nag pabilis ng tibok ng puso mo

At nag pagulo ng pag sasalita mo

Yung pag nandyan sya nataranta ka

Yung pag binati ka ay kinikilig ka

Yung malungkot ka tapos liligaya ka

Pag nakita mo lang yung ngiti nya

Siya ay espesyal pero di para sayo

Parang artista na gusto mo

Pwede mo syang hangaan

Pero di mo pwedeng ligawan

Yung ang masakit na katotohanan

Ngayon sino ang yong lalapitan

Magulang, kapatid, kaibigan, o kapamilya

Sila yung madalas mong binabali wala

Sila  ay sobra sayo kung humanga

Sa kanila ay sumasaya ka

Sa oras ng kalungkutan

Sila ang yong kinakapitan

At bukod sa kanila ay meron pa

Na mas mahal ka ng sobra sobra

Na niligtas ka sa kasalanan na iyong ginawa

At sya ang Diyos ama at si Jesus na anak nya

Ngayon wag nang malungkot

Alisin ang lumbay sayo ngayon nakabalot

Maniwala at magdasal sa kanya

At damhin ang ligayang hatid nya

Pangako nya sa atin ay may nakalaan

Kung di man ang tao na gusto nating ligawan

Baka di mo pa sya natatagpuan

At sa tamang panahon sya ay naka laan

Wag lang mag madali

at baka ikaw ay mag kamali

masira ang iyong kinabukasan

at mawala ang sayo ay nakalaan

tiwala at pananalig ang kailangan

kay Kristo tayo ay pangangalangaan

di nya tayo iiwan

mag pasawalang hangan

bow.

 

“Sapagkat ganito ang pagibig ng Diyos sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay nya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi mag karoon ng buhay na walang hangang.”

John 3:16

more in yessirroger.wordpress.com