Bumitaw ka na, tama na.

Umaasa na baka magbago pa.
Hindi talaga, wala na.
Pilit nilaban na sana meron pa.
Pero tapos na talaga.

Masaya naman tayo noon di ba?
Bakit luha ang naging kapilit?
Minahal naman kita.
Bakit ganito ang binalik?

Alam ko sira na, kaya tapusin na.

“Hindi ko kaya, mahal kita,
Gusto pa kitang makasama.”
Mga salitang iluluha na lang talaga.
Dahil wala nang pag-asa

Alam ko ako’y sirang-sira na.
Kaya ako’y magpapaalam na.
Salamat sa tuwa at sakit.
Limang taon, ito lang ang kapalit.