Aminin nating hindi talaga madali ang maghintay. Madami sa atin ang nagmamadali lalo na sa pag-ibig. Bakit? Kasi pressured ka sa mga friends mo at ikaw nalang ang nananatiling single? Na bo-bored ka na at wala kang kausap at kasama lagi? Well, hindi yan sapat na rason para madaliin ang pakikipag relasyon. Eto ang mga bagay na maibabahagi ko sainyo habang hinihintay ang inyong future partner:

1.) While you’re still single, seek and know God more – Simple lang, if you want love, then know the author of love. Paigtingin mo pa ang relasyon mo kay Lord sa pag-babasa ng Bible. Ipagdasal mo na bigyan ka Niya ng guidance at puso na ang tanging minamahal at sine-seek ay Siya lamang.

Believe me – in this way, mas matututunan mong mahalin ang future partner mo. Maiintindihan mo kung papaano ba talagang magmahal, kung pano maging faithful sa partner mo at mas maitataguyod mo ang future family mo soon. Being God in the center of your relationship is the best and siguradong magwo-work ‘yan hanggang forever.

At habang nagkakaroon ka ng relasyon sa Panginoon, ipag pray mo na din ang future partner mo even you don’t know her yet. Mahalaga ito sa preparasyon at paghihintay.

Sabi nga sa Psalm 37:4, “Delight yourself in the LORD, and he will give you the desires of your heart.”

2.) Productive Singleness – Boring ba maging single? I don’t believe so. Being single means you have a lot of time para sa sarili mo. Do the things that you love – mga hobbies mo, play sports and of course learn new things.

Karamihan sa atin ay pumapasok sa isang relasyon para maging masaya. Dapat pag magpu-pursue ka, ang purpose mo ay marriage and not just to date. Never iyan na solusyon just to be happy lalong-lalo na kung pansamantala lamang. Go climb that mountain, discover new places, go for tree planting activities, go for island hopping and chase waterfalls. In these ways, I’m sure magiging masaya ka.

Tutunan mong magluto, maglinis, magkumpuni at ang iba pang mga gawaing bahay. Pagbutihin mo ang mga gawain mo, sa school man o sa work. Subukan mong magexcel and go get that promotion.

Alisin mo na din ang mga bisyo mo, kung ano man iyan, pagiinom ng alak o paninigarilyo. Makakasama lang sa’yo iyan, dapat mong isipin ang future mo. Isipin mo, nakikita ka ng mga anak mong naninigarilyo, gusto mo bang gayahin ka nila? Syempre hindi, ‘di ba?

I believe God wants the best for us, so make sure to use this time to be the best version of ourselves.

3.) Guard your heart – Chinat ka lang ng pogi, mahal mo na? Wag ganun, bes. You should learn how to guard your heart, huwag kang maging pokmaru at padalos-dalos. Kung iniisip mong walang dadating at walang ibang choice – you still shant lower your standards.

Don’t fall for short and never settle for less. You should remember na ikaw ang prize and hindi ka dapat basta-basta nahuhulog at hindi ang kung sino-sino man ang ineentertain.

Isa sa mga pinaka-importante, we should flee ourselves from sexual sins. Ang virginity ay dapat na regalo mo sa future partner mo and I see it as a prize and a sign of pure love. It will train you to become more faithful even you haven’t meet your future partner yet.

Ilan lamang ang tatlong iyan sa mga pinaka importanteng bagay sa paghihintay kaya galingan mo maging single! Para sa aking future partner, ito lang ang masasabi ko sa’yo:

I know it’s hard to wait but my hope and my prayer is that God satisfies you. I pray that He grant all the desires of your heart, for you to love Him more and to mold you whatever He plans for you. I will always be praying for you and I hope soon I will be praying with you.

I cant wait to hug you and kiss you on your forehead. You’re beautiful and I love you.