AYOKO

125

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ayokong gumising na nangangamba,

Kung paano ang bukas dahil ako’y mag-isa.

Ipinagdasal, iniluhod at ako ay nagplano,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kahit di sigurado kung yun ang gusto Mo.

Lahat na ng pwede sinubukan na,

Pati chat, party at kung anu-ano pa.

Ayokong magpahinga at hayaan Ka,

Baka naman dapat kulitin pa Kita.

Lahat ng kakilala ko sigurado na, 

Nag-aabang kung kelan na nga ba.

Iniiisip ko na hindi Mo nakikita,

Ako ay handa na, may kulang pa ba?

Ayoko ng mag-antay at umasa,

Parang ako mismo nawawalan ng pag-asa.

Araw, buwan at taon ay lumipas,

Nagtatanong Sayo pero Ika’y tila umiiwas. 

Hanggang sa isang araw akin ng isinuko,

Magtitiwala ako Sayong mga pangako.

Ayoko ng iasa sa kahit kanino,

Ang kaligayahan at pagiging kuntento.

Ngayon, sigurado na ako,

Ako ay mahal Mo at di yun magbabago.

Walang kahit sino o ano,

Ang makakapaghiwalay sakin sa pag-ibig Mo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required