Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

I think mas better na ako ngayon. Bumalik na yung mga interest ko sa old hobbies ko. Naiisip ko na din na dapat akong mag improve pa. Like maglaan ng time sa sarili ko. Manood ng movies, bumili ng bagong mga damit, mag travel, mag patattoo at marami pang iba. Naisip ko na din na yung mga time and effort na nilaan ko sayo, panahon na para ibigay ko din yun sa sarili ko.

After our group hang out sa bahay nyo, I realized na mahal mo talaga yung boyfriend mo. Ayaw ko na maniwala na minahal mo ko based on your words. Yung mga sinabi mo sa akin before kasi mukang di mo na naman naalala lahat. Natanggap ko na finally na hindi na dapat kitang ipursue or hintayin. Kasi wala naman akong hinihintay. Thank you for all the memories. Pero sabi ko nga, nag give up ako kasi respeto na lang sa relationship nyo.

Mahal na mahal padin kita. I’m still your best friend. You can always count on me. Di na ako maghihintay or umaasa. Ang masasabi ko lang, as long as mahal padin kita, willing akong tanggapin ka kapag dumating yung time na maisip mo na gusto mo pala ako talaga.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required