Bugso ng damdamin,
Pilit na pigilin.
Bawal na pag-ibig?
O bawal ang ika’y maging ibig?

Sa anino ng ngiti
Lahat ay aking kinukubli.
Ngunit sa tuwing ika’y nakatitig.
Puso’y lumiligalig.

Pero teka bawal nga pala ang ibigin ka.
Bawal dahil kaibigan kita.
Bawal pala ang salitang sinta.
Ngunit dalangin ko ang maging akin ka.

Bawal bang higitan ang salitang kaibigan?
Baka pwedeng maging totoo ang bawat hiling?
Baka pwedeng isigaw mo rin?
Ngunit imposible ang hangarin.

Sa bawat oras na lumilipas,
Imahe mo sa isip ay di kumukupas.
Pangalan ay aking sasambitin,
Sa bawat bulalakaw ikaw ang dalangin.