Naaalala mo pa ba nung una tayong nagkita?

Sa isang kakaibang eksena.

Ikaw, ako at ang iyong dilaw na kamera.

Sa lugar na tila kakaiba.

Sinipat, tinantya tsaka kinuhanan

Ang mga ngiti na masarap tignan

Mga pangyayaring nakapagtataka,

Magkaroon kaya tayo ng pag asa?

Ikaw at ang iyong dilaw na kamera

Sana ay di manatiling alaala

Sa pusong ito na umaasa

Na balang araw ikaw ay makilala.