Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Noong panahon ng Japanese Empire, may grupo ng mandirigma kung saan bihasa sa pakikipaglaban at pag patay ng tahimik(Hitman). Ito rin ay isa sa mga bantay ng Emperador at mahahalagang tao nung panahong iyon. Ito ay ang mga Shinobi o mas kilala natin sa tawag na Ninja.

Pero ang nagpasikat sa mga Ninja ay mga palabas sa T.V. at Sinehan. Ilan sa alam kong palabas ay Teenage mutant Ninja Turtle, Hollywood Films, Game show na American Ninja warrior at iba pa. Pero ang nag pasikat talaga ng ninja sa pilipinas ay ang palabas na Naruto, kung saan ang bidang si naruto ay gusto maging Hokage.

Kung maalala ko pa yung panahon na ito yung palabas sa T.V., channel 2 tuwing hapon paguwi mo galing ng school katapat nito ay Anime din sa ibang channel. Ngayon ang palabas sa T.V. ay tungkol sa mag asawang nakiki apid sa iba, anak sa labas na makikilala ang ama sa dulo, mga drama tungkol sa pagibig, at iba pa na halos bawal sa mga bata. nakakainis pero hindi ko dito ilalabas ang sama ng loob ko tungkol sa palabas ngayon, see you sa next blog.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Thanks to Internet and mga website na libreng ma iistream ang Anime at patuloy napapanood ng mga kabataan ang palabas tulad ng Naruto. Pero di ito ang gusto kong pag usapan natin. Ang totoo nyan sa sobrang bilis mag evolve ng wika natin at ngayon ang bawat salita ay may ibat ibang meaning at isa na dito ang Ninja.

Ano na nga ba ang meaning ng Ninja ngayon?

Siguro ang kailangan nating sagutin,

Sino na nga ba ang tinatawag natin Ninja ngayon?

Sino na nga ba? Napaisip ako, Ito ba yung mga taong pumapatay pero nakakatakas? Hindi. Ito na ba yung mga kabataang magaling dumiskarte para makapangopya? Pwede. Pero ang focus ko ay yung Mga tao na dumidiskarte ng palihim sa kanilang minamahal o Mga taong nag mamahal in Secret.

Meron akong kaibigan na nakausap at ito ang opinion nya dito.

Grabe! nung naiisip ko ito ay may ilang mga bagay ang pumasok sa isip ko. Isa na dito ay ang Effort ng mga taong ito sa bagay(tao) na walang kasiguraduhan. kaya nakagawa ako ng isang list ng mga Teknik(Effort) ng isang Ninja at ito ay ang mga sumusunod:

The List of pinagbabawal na Teknik

  • The kagibunshin teknik – Ito yung effort na times 2, times 2, times 2. kahit walang kapalit basta gusto mo yung tao, grabe ka sa effort pero di mo sinasabi ang intensyon. GO!
  • The Sharingan teknik – ito naman yung grabe talaga makatitig ng malayuan, masilayan lang ang taong gusto nya.
  • The Rasengan teknik – ito naman yung pag nandyan yung gusto nya ay napaka hangin(sobra makwento) mapansin at magka time lang sa taong gusto nya
  • The Chiduri teknik – eto naman yung sobrang energetic pag nandyan yung gusto nya.
  • At iba pa. (comment mo yung alam mong teknik)

Pero naisip ko rin, Worth it kaya ang mga ginagawa ng isang Ninja(Nagmamahal ng palihim)? Ang sagot ko dito based sa reyalidad at mga karanasan ng mga kaibigan ko, “HINDI“.

Nakakatawang isipin pero kahit Hindi ang sagot pero madami parin ang pinipili maging Ninja kesa maging tunay na Warrior. Kase madali, walang responsibilidad, kung mag kaibigan mas malamang iniingatan mo na di mawala ang pagkakaibigan nyo at syempre Hopeless romantic.

Aking nabangit ang salitang Warrior at ito ay ang pagiging:

  • Responsable sa mga ginagawa sa buhay
  • Handa at Matapang na harapin ang mga kaaway(problema)
  • kaya ipaglaban ang mga desisyon nya
  • at kayang magdesisyon.

Ang katotohanan dito mahirap sya gawin. Shout out sa mga karamihan na lalake dyan! alam ko na tayo talaga ang tunay na Ninja.

At muli sino sino na nga ba ang Ninja sa buhay natin? ito ay opinionated at biased blog pero nag tatago sila bilang:

  • Kaklase o katrabaho mo na madalas lumalapit, nakatitig at makwento sayo ng walang dahilan.
  • Best Friend mo na opposite sex at madalas mag invest sayo ng time kesa sa iba.
  • Tropa mo.
  • tambay sa kanto
  • at iba pa na may gusto sayo kaso di masabi sayo.

sa huli nasasayo na talaga ang desisyon kung gusto mo maging Ninja o maging Warrior. Pero sana tandaan mo na sobrang mahal ka ng Diyos na nag create sayo na mahal ka kung sino ka man at ano pa man ang ginagawa mo at nagawa mo, handang ibigay ang nag iisang anak nya na si Jesus para maligtas sa kasalanan at maranasan mong mag mahal at mahalin

Panalangin ko sa mga nakakabasa nito na sana piliin mo yung makakasigurado ka na magiging best ka as a person at di masasayang ang effort mo sa wala. bow.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required