Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Puso, tama na.

Tama ng pagpapanggap na masaya ka talaga.
Tama ng sarilihin lahat ng sakit.
Tama ng ipilit ‘yung sinisira ka na.

Alam ko masakit.
Pero minahal na kita, bago mo pa siya nakilala.
Minamahal kita kahit paulit-ulit at lagi mo kong pinagtatabuyan na.
At mamahalin kita higit sa sakit na ‘yong dinarama.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Puso, tama na.
Ako lang.
Ako itong para sa’yo.
Ibibigay ko sa’yo,
Pero sa tamang panahon.
Sa ngayon, ako muna.

Oo nakita ko, ‘yung mga luha mo sa gabi.
Bawat patak, kasabay kita sa hinagpi.
Oo narinig ko, ‘yung panalangin mo.
Nung sinabi mong,
“Panginoon, pagod na’ko.”

Hayaan mo ako.
Papalitan ko lahat ng sakit,
Pupunan ko lahat ng pagkukulang niya.
Sana bigyan mo ako ng tyansa,
Na mahalin kita ng sobra.

Puso, tama na.
Ilang ulit na kitang nakitang nadapa.
Pero sa huli sasagipin pa rin kita.
Hayaan mo sarili mong lumaya.
Lumaya sa nakaraan na lumipas na.
Sa ngayon, magpahinga ka muna.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required