“You deserve better”
Categories Relationships

“You deserve better”

Why do you knock on the first place to that persons world if you think that way?

It all started with a simple “wave then hello”. Akalain mong sa daming nagDDM sayo etong taong toh ang nakakuha ng attention mo para magawa mong replayan. At first obvious naman ang intention. What do you think? Bakit ka imemesage ng isang tao out of no where? To the point that you don’t personally know each other. Simple, that person it’s either like you or interested to get to know you. Worst possible answer, that person was too bored in life and just want to play around with someone’s emotion or what we called assholes.

First, it’s fun that someones putting that much time and effort just to know you more, complementing you, make you laugh/smile and then this dangerous feeling called “feeling special”. To the point na you think napakablessed mo kasi that person came up when you least expect it. When the time you really need someone to just be there listening and comforting you. That’s the time you’ll fall in a trap.

Sino ba naman hindi mahuhulog kung ang taong nakilala mo was close enough sa mga prayers mo. Simple lang naman yung prayers na yun. Isang taong aalagaan ka, someone na you can talk anything na di nagkakaron ng dull moment, at marami pang similarities na magugulat ka nalang at mapapangiti kasi parang isang answered prayer na siya. Yun ang tagal mong inantay at pinagpray tas biglang may isang taong swak na swak. Di pa ba macaught yung napakapihikang attention mo nun.

Come on people, pinakamasarap sa feeling yung may isang taong nakikinig at naiintindihan ka sa lahat ng nangyayari sa buhay mo kasi bibihira yun taong magtyatyaga kausapin ka araw araw at makinig sa kwento mo na interisado. Even our friends yuh they listen pero makikita mo hindi sila ganun kainterisado.

Hangang sa nasanay ka ng nanjan siya kausap mo araw araw kachat minsan kalaro mo pa. Tas biglang magiiba ang lahat. Yun dating nobelang reply nyo sa isat isa magiging one liner nalang. Yung dating di maubos ubos nyong tanungan mauuwi nalang sa simpleng good morning, kumain ka na at goodnight. In short, wala na kayong mapagusapan. Bakit? Pwedeng naging sobrang comportable nyo na sa isat isa to the point na yung dating extraordinary, normal nalang ngayon. Kaso mahihirapan ka kasi nasanay ka na. Saka mo marerealized na nahulog ka na sa kanya. Problema anu ba kayo? Hindi mo alam kasi sa sobrang tuwa mo ng dumating siya at sa dami daming tanong na binato mo sa kanya. Yung pinakaimportanteng tanong pa ang nakalimutan mo. “Anu ba kayo?”

Matatahimik ka nalang bigla at mapapaisip sa isang tabi. Anu nga ba kami? Anung intention nya in the first place? Once na marealized mo yun sa sarili mo. Saka ka magkakaron ng lakas tanungin sya. “Anung intention mo?” Nakakakaba, nakakatakot na pakiramdam na pinagdadasal mo na sana pareho kayo ng nararamdaman pero isang familiar na salita ang mababasa mo “you deserve better”. You deserve better! don’t enter someones world if you think that way, coz once that person let you in to their life. It means your deserving. Tapos from that feeling magdadowngrade to friends. Do you think it’ll work? No! Kasi once na marealized mo na gusto mo un isang tao mahirap na magpretend na ok ka lang bilang kaibigan nya. Di lang muka kang tanga. Sinasaktan mo p yung sarili mo. Yung mag-ex nga hirap maging friends eh may malalim ng pinagsamahan un. Kayo pa kaya? Dalawa lang yan. Magstay ka kasi di mo sya kayang mawala o you give yourself time to heal before accepting the friendship that person offers.

Wag mong torturin yung puso mo kung may choice ka naman umalis sa situation pwedeng dumurog sayo.

Prev Lutang
Next In moments like these…