What regret is threathening to overwhelm you?

Sana hindi… dalawang salitang di ko maisip na mamumutawi saaking mga labi…
Mga salitang di ko aakaling nang dahil sa iyo ay masasambit.

SANA HINDI…
Sana hindi kita nakilala
Sana hindi ko hinayaang ang damdaming ito’y lumala…
Lumipas ang mga panahong ikaw ang kasama…
Lumipas din ang mga pagkakataong ako’y tunay na sumaya…

SANA HINDI…
Sana hindi ko hinayaang makilala mo ako ng tunay…
Nang sa ganon di mo nakita ang ang aking kahinaang taglay
Kahinaang naging dahilan upang ako ay tumalima,
Sa kaibigan, sa pamilya at sa Ama. ☝️

SANA HINDI…
Sana hindi ko hinayaan na pumasok ka sa aking buhay…
Minsan sa akin ika’y nagbigay kulay…
Ngunit sa huli’y tayo din pala’y magkakawalay.

SANA HINDI…
Sana hindi ako tumalikod…
Nang sa sakit, ako’y di nalunod.
Madaming pagsuway at kasinungalingan
Naging dahilan upang ako ay mawalay,
sa aking Amang(Lord) tunay na buhay…

Ang ating relasyon ay may kahawig na ilustrasyon…
Parang pagyakap ng mahigpit sa isang puno…
magaspang, matigas
Maraming pilit umaagaw saiyo
Kaya sa huli ako ay nasaktan… nadurog…

SANA HINDI…
Sana hindi inubos ang damdamin at oras saiyo
Mga bagay na sana’y sa Panginoon ay naibigay ko…


Sa dami ng SANA HINDI… Isa lang ang SANA ko at iyon ay luwalhatiin ang AMA ng buong puso ko.

Isang bagay na natutunan ko sa aking pagdurusa…
Magtiwala sa Panginoon sa perpektong oras niyang likha.