Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hirap na kong magpanggap na ayos lang ang lahat.
Hirap na akong ikubli ang kalungkutan na bumabalot sa akin nitong nagdaan.
Hirap na kong pigilan tumulo ang luha sa aking malambot na mukha.
Hirap na kong kumbinsihin ang sarili na ipagpatuloy pa ang bukas.

Paano ko mapapaniwala ang sarili na ito ay panaginip lang?
Paano ko iisipin na ito ay kathang isip lamang?
Paano ko kukumbinsihin ang sarili na kalimutan na lang ang lahat?
Paano ko matatanggap ang lahat ng aking katangahan?

Hindi ko alam paano ko sisimulan ulit ang lahat.
Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa nga ba.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Dahil puso ko ngayon ay umiiyak sa katahimikan, paano kaya kita makakalimutan ng tuluyan?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required