Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

hi .

I’ve been in a almost relationship nalang siguro , na nagtagal din naman ng 18 months . di ko lang talaga alam kung bakit bigla nalang ambilis nya magalit parang maliit na issue pinapalaki nya pa . this happens back in feb. 1 month after kong makatungtong dito sa ibang bansa.  almost 7 months na pala since naghiwalay kami . yun pala meron na syang nakareserba di naman ako galit o kung ano pa man . umaasa pa rin ako na meron pa ring kami,

pag pwede na sana pwede pa.

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


april , nagdesisyon nalang kaming maghiwalay sabi ko sige pahinga nalang muna tayo itutuloy ko nalang muna tong pag tatrabaho ko dito at sya naman ay aayusin nya muna ung pag aaral nya . and we both agree naman dun.

we exchange our accounts on social media before then andami kong nakita na ka chat nya sinasabi nya sakin na kaibigan nya raw yon eh ako lalaki alam ko naman motibo ng mga ganung galawan syempre dun ko din sya niligawan noon . then suddenly 1 week after ng breakup namin sila na nung kachat nya na kaibigan nya daw.

so edi ayun na nga hiwalay na kami pero nagchachat pa rin sya sakin kahit binablock ako nung boyfriend nya, sinabi ko sakanya na “wag ka ng magchachat sakin kung ayaw ng bf mo kasi kung ako rin ung bf mo ayoko rin na magchachat ka sa ex mo”. hanggang ngayon nagchachat pa rin sya alam ko naman na palagi silang nag aaway nung bf nya ngayon kaya sya nagchachat sakin lagi nagtatanong kung anong dapat nyang gawin. madalas ko syang siniseen baka kasi ano pang masabi ko haha.

 

tapos nag confess sya sakin na ako pa rin daw yung lalaking laman ng puso nya kahit may boyfriend na sya sinabi nya rin daw yun sa boyfriend nya ngayon. di ko alam kung anong gagawin ko hanggang ngayon kasi sya pa rin ung gusto ko kahit may mga babaeng nagpaparamdam sakin . oo naka move on na ko sa kanya pero di pa rin ako nakaka let go. gusto ko na syang kalimutan pero nakalimutan ko ata kung pano yun gawin gusto ko ng alisin sya sa isip at puso ko kaso bakit hindi ko magawa?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required