Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Noong una akala ko siya na;
Tila lahat ng katangian ay nasa kanya.
Matipuno, may hitsura mukhang artista
Wala na akong hahanapin pa.
Ngunit sa paglipas ng panahon;
ang kagustuhan ko ay nagbago.
Ang pananaw ko ay nag-iba;
Iwinaksi ang kaisipang pambata.
Hindi sapat ang magandang panlabas;
Sapagkat iyon ay kumukupas.
Ang mahalaga ay kung ano ang nakatago;
Sapagkat iyon ay hindi maglalaho.
Alamin ng husto nang ‘di ka umiyak;
Buksan ang isip at gamitin ang utak.
Tuldukan ang maling akala,
At pumili ng tama.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required