Dear You,

Tayo’y masaya at nananahimik.
Paglipas ng panahon, ako’y sayo’t ika’y akin.
Ngunit bakit nawala sa ihip ng hangin?
Anong nangyari sa atin?

Sabi mo kailangan mo ng pahinga.
Sabi mo kailangan mo ng space.
Sabi mo kailangan mo ng oras.
Sabi mo kailangan mo ng timing.

Ngunit bakit iba ang iyong kasama?
Bakit ako’y biglang iniwan?
Sa ere ng walang kasiguraduhan
Ako’y iyong binitawan

Sa kanya ba’y may pahinga?
Sa kanya ba’y may space?
Sa kanya ba’y may oras?
Sa kanya ba’y may timing?

Edi sana sinabi mo
Sana sinabi mo ang totoo
Edi Sana pinili mo
Sana pinili mo ang totoo

Ang totoo na di mo kailangan ng pahinga
Dahil ang kailangan mo’y makawala
Ang totoo na di mo kailangan ng space
Dahil ang kailangan mo’y bagong face

Ang totoo na di mo kailangan ng oras
Dahil ang kailangan mo’y kumalas
Ang totoo na di mo kailangan ng timing
Dahil ang kailangan mo’y ending

Sana ay masaya ka.
Masaya sa piling ng iba.
Samantalang ako’y iyong pinaasa,
Pinaasa sa wala.

Akala ko’y cool off ang iyong hanap.
Ang totoo ay move on pala.
Ay mali. Move to nga pala.
Salamat.

Love,

Aubrey