Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

LIGAW ANG ANG SALITANG NILIMOT

LIGAW SALITANG BINUBULASLAS NG MGA KALALAKIHAN SA NAGUGUSTUHAN
KATAGANG MAY MABIGAT NA KAHULUGAN, LUBOS NA MALALIM
SA KALALIMAN AY WALANG SUMUBOK TUMANGKILIK NG LUBUSAN

O LIGAW, WALA KA NA BA SA PANAHON?
SA MODERNONG PANAHON, PANAHONG NAPAKABILIS NG MGA PANGYAYARI
O LIGAW, TULUYAN KA NA NGA BANG LUMISAN?

UBOS NA ANG HENERASYON NG MGA BAYANING MANGINGIBIG
WALA NG PAGSUYO’T PAGSUSULAT SA INIIROG NA SINTA
KASABAY NITO ANG TULUYANG PAGLIMOT SA SALITANG LIGAW

NANDIRITO AKO, KAKATOK SA SARADO MONG PUSO’T ISIPAN
PUSO MO NA PINATIBAY NA NG PANAHON
ISIP MO NA PINATALAS NA NG PANGYAYARI

LILIGAWAN KITA, MAIKSING SALITA NGUNIT PANGHABANGBUHAY NAGAWA
LILIGAWAN KITA, NANG MAKILALA NATIN ANG ISA’T ISA
LILIGAWAN KITA, ANG BUONG PAGKATAO MO, BUONG IKAW

P.S. Ipagdarasal ka, hahanapin ka, kikilalanin ka, at hindi ka iiwanan. Dahil ang tulad mo ay deserve ang best. Don’t settle for less. The best is yet to come. And sigurado ako darating ang best.