Tarak|ape
Categories Poetry

Tarak|ape

Gusto ko ng kape, yun sobrang init,
Kasing init ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya noong kami pa.

Gusto ko ng kape, yun matindi,
Hindi tulad noong kami, na sa lahat ng bagay mahirap umintindi.

Gusto ko ng kape, na ‘di lang matapang na kaya kang ipaglaban,
Kundi yun mabuti din na alam ang pagpapatawad ay tanda ng pagmamahal.

Gusto ko ng kape,
yun di masyadong matamis,
Na parang ikaw na ‘di nagawang magtiis noong mga panahon kinailangan kong umalis.

Gusto ko ng kape,
na may sapat na paghalo.
Parang ikaw at pag ibig mong
kusa na lang naglaho.

Gusto mo ng kape?
yun medyo mapait,
Gaya ng puso kong dinurog
mo noon sa sakit.

Gusto mo ng kape?
Yun nanlamig na lang sa tabi,
Dahil balewala sa’yo
ang pag-aalala ko gabi-gabi.

Gusto mo ng kape?
Kasabay ng pandesal,
Dahil ‘di mo lang alam,
Na ni minsan ‘di ka nawaglit
sa’king mga dasal.

Oo, pareho natin gusto ng kape,
Pero lagi mong isinasantabi,
Mga bulong ng pangarap na
kasama ka’t katabi.

Gusto natin ng kape,
Kasabay ng pagtanaw
sa umagang maginaw,
Ngunit ‘di ka tumagal, Mahal
Kaya maaga kang bumitaw.

-ᜀᜅᜒᜎᜓ ᜀᜇᜃᜅ᜔ᜁᜎ᜔

Tarak|ape

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *