Nandirito nanaman ako sa madilim na sulok,
Umaasa, nasasaktan at mangyaring nakakasulasok
Dito sa mundong punong puno ng ilusyon,
Isang magubat na realidad na may kakarampot na solusyon.
Nagsimula ang istorya nung normal pa ang lahat, sinabi ko sayo, na kaya mo kitang tanggapin ng buong tapat, na kaya ko ring unawain ang ang mali sa pagkatao at kayang pagtiisan lahat.
Hindi ko iniintindi ang mga katangang “mahirap hanapin ang tunay na pag-ibig”
Pangarap kong maging minsan mo eh,
Kaya simula non naging parte ka ng buhay ko.
Masaya
Madarama na ma’y kilig sa simula,
Araw, oras at sandali, kahit mag-isa ako’y napapangiti.
Nagdaan ang taon na hindi ko namalayan, pagka’t akala ko’y ligaya’y walang hangganan, ngunit pinahiram lang pala sa pusong nagmamahal ng lubusan.
Na sa bawat may nakatayong relasyon, may sakit na anino palang naka dugtong.
Ngunit ako’y nalito
Bakit ako’y inalipin mo sa matagal na pinaguusapan?
Sinunggaban ng iyong mga palihim na katwiran, Pinaligiran ng marami mong dahilan,
Tila pinaglaruan ng ulan ang hangin
Sinubukan kong tumakbo sa tubig
Ako yung pinagpilian pero ako yung kumakapit
Pinilit kong kumapit kasi baka kaya ko pa
Baka kaya pa natin
Pero ako’y iyong nilisan pa rin
Hindi ko alam ba’t humantong sa ganito.
Kalagayan na matagal ng kinikimkim,
na sa bawat tiyansa para sa bagong tayo’y biglang dumilim.
Sana kayang tangayin ng alon ang sakit.
Sa dami ng paalam na aking narinig,
Sayo pa rin hanggang ngayon ang pinakamasakit.
Ngunit ang desisyon hindi kailangan palaging masaya, dapat laging makakabuti
Na kung kaya kong humiling ng pag-ibig ay kaya mo rin na bumitaw at hindi ipilit.
Kaya paalam.
Gusto na kitang kalimutan
Pakiusap wag mo na sana akong lapitan
Kung mag babalik ka man sinta, Ako’y buo na at sa isip ko matagal ka nang nabura.
Hindi na kita kailangan at hubog na ako
Hinubog ng maling tao pero bago’t mas maayos na ako.
Napakaraming istorya na ayoko ng ikwento.