Dear Multo

Mga oras kung saan ang buwan ay malabo
At ang mga patak ng ulan ay walang tigil kung bumuhos
Sa kabila nito, isip ay nanatiling payapa
Sa wakas ang puso ay masaya
Taon ang dumaan, ang mga sugat ay nahilom na

Ngunit may taong sadyang nais sirain ang momento
Mairaos lang ang nararamdamang blanko
Ano ba ang iyong kailangan?
At bigla ka na namang nagpaparamdam
Tila parang multong may nais balikan.

Hindi pa ba sapat ang hapdi na iyong sinukli sa bayad ng pag-ibig na aking binahagi?
Binabalik ang mga alaala sa mga mensaheng pinapadala
Sinusubukang suyuin ang pusong matagal ng nagpapahinga
Kung makalapit ay parang walang na- perwisyong oras at halaga

Nakalimutan mo na nga ba, o sadyang wala ka lang pakielam?
Sana maintindihan mo na hindi ko na kayang kunsintehin ka
Dahil hindi ko kakayanin na muli pang masaktan
Pipiliin kong wag ng pansinin ang, mga matatamis na salitang alam kong hindi mo pananagutan
Ako ay natuto na
Sapat na siguro na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko
Binigyan ng lungkot at hapdi ang mga gabi ko
Mga luha na sinayang sa taong binalewala ang aking halaga
Dahil ang binuo kong pader ay hindi mo na muli masisira

Ako ay natuto na

Kaya tama na…
Tigil na…

Pinatawad na kita, ngunit wala ka ng pagkakataong umulit pa

Exit mobile version