BABALIK AKO

 

“Babalik ako..”

Madaling sabihin pero mahirap panindigan
Hindi naman dahil sa walang nararamdaman
Kundi dahil minsan hindi talaga sapat ang pag-ibig para lumaban..

Pero babalik ako..

Kahit hindi ako sigurado na may ikaw at ako sa dulo..

Babalik ako hindi dahil sinabi mong maghihintay ka
Babalik ako lalong hindi dahil sinabi kong babalik ako..

Babalik ako kasi gusto ko malaman anong meron sa dulo..

Babalik ako kasi sa dulo gusto kong malaman kung talagang may tayo..

Babalik ako kasi gusto kong malaman kung yung tayo ay walang dulo..

O kung sa dulo ba ay magtatapos din yung tayo.

Basta, babalik ako..

Published
Categorized as Poetry

By Chok

Pen is my tears and Paper is my deathbed.

Exit mobile version