“BAKIT BA KAHIT MAY FEELINGS KA AT MAY FEELINGS SIYA, HINDI PARIN TALAGA ?”

WHY JUST WHY? 

Did this happen to you? It happened to me and I’m sure nangyari rin sa kanya, at sa kanya, at sa kanya.

Yung tipong may feelings ka, alam mo’ng may feelings siya, at alam ng mga tao sa paligid niyo na may feelings kayo sa isa’t isa pero wala paring mangyaring movement sainyong dalawa.

 

You know what’s worst? Yung nag invest ka na emotionally, nahulog ka na nang bongga pero bandang huli magmumove-on ka sa relasyong hindi naman talaga.

May taong hindi handa para sa mundo”.

Minsan kasi ang tao, hindi lang talaga ready. Hindi ready mag-commit hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil hindi pa lang talaga siya buo bilang tao. Emotionally ruined, kumbaga. “May taong hindi handa para sa mundo”. Hindi handa para sa mga another bunch of emotional stress, pero minahal mo. Yun  ata yung mali mo.

 

Ayun nga, minahal ko. Yung pagmamahal na handang tulungan siyang maging buo. Kaso mahirap men, mahirap magmahal ng taong gusto niya inaalagaan mo siya tapos ikaw, may neurotic need ka to help and take care of broken people.

 

Yung tipong gusto mong alagaan yung brokenness nila as a person. But our mistake was taking care and/or helping a broken person be whole again. You know why? Because instead of mahatak mo siya into a colorful life, ikaw yung mahahatak niya into brokenness, lalo pag di ka rin naman talaga stable, mentally and emotionally. Kaya dude, don’t love someone na hindi pa ready sa mundo. Kasi mahirap. Emotionally draining kasi na abangan siyang maging okay para sainyo. Mahirap mag-alaga dahil  makakalimutan mo yung sarili mo habang pahulog nang pahulog yung puso mo. Again, H’wag kang magmahal ng taong hindi pa ready sa mundo: malulugmok ka lang sa mga expectations at ang puso’t isip mo ay magugulo.

 

Love when you are ready and love when he’s ready. Don’t let your heart lose itself. Masakit, nakakapanlumo, at mahirap magmove on sa taong di naman naging iyo.

 

Exit mobile version