Hello mga brothers na nabasted at laging basted na gaya ko. Ako nga pala si Mr. Coco Pariseo. Kung may Doctorate degree lang ang pagiging single ay siguradong ako na iyon (ikaw ba naman ay 11 years single eh), at kung may Masters degree ang pagiging basted ay ako din iyon (madami-dami na din ang bumasted sa akin).
Sinulat ko itong munting blog na ito upang makatulong sa mga brothers natin na nasasaktan, sinaktan at masasaktan pa lang ng mga babaeng iniibig nila. Iyong bang sobrang nag-effort ka pero hindi ka man lang sinuklian ng pagmamahal na deserve mo. Isinulat ko din ito para naman maihanda mo din ang sarili mo sa mga mangyayari. Preparation is the key para mabawasan ang sakit kahit kakaunti lang.
Ang mga advice na mababasa mo mula sa lalaking nabasted na ng maraming beses ay applicable pa din hanggang ngayon. Heto yung mga CLICHES ADVICES ng mga friends mo sa iyo na kailangan mo lang talagang i-apply upang maghilom ang puso mong sugatan.
Heto ang ilan sa mga top 10 na advice na madalas ibigay sa mga lalakeng nabasted.
1. Move On– Masyado ng gasgas ang advice na ito. As in sobrang gasgas na. Halos lahat ng lalake at babaeng matatanungan mo ay ito ang isa sa mga pinaka-main advice nila sayo kapag binasted ka ng minamahal mong babae. Very short and simple pero napakahirap gawin.
Naiintindihan ko ang mga lalaking nasabihan ng kaibigan nila na move. Hindi madali ang magmove-on basta-basta lalo na kung naglaan ka ng time, effort at syempre, pera. Tipong iiwasan nyo munang magkita dahil sa sakit na dinulot sayo ng babae. Tipong umiiyak ka gabi-gabi dahil siya ang babaeng sineryoso mo na pinagpalit ka sa hindi ganung kagwapuhan, tipong naniwala si babae na pangit is the new pogi na gusto mong sana maging magkasingpangit na lang kayo sa mukha nung lalake. Tipong kauna-unahang pag-ibig. At mapapasambit kang tunay na “Lord! Kunin mo na lang ako! Ang sakit-sakit!!!”
Pero alam mo tropa kong basted. Ang advice na yan ay talagang napakaimportante. Kailangan mo talagang mag-move on. Oo matagal. To best way na makamove-on sa nangyari ay tanggapin mo ang katotohanan na ayaw niya talaga sayo at iiyak mo lang yan, pero lagyan mo ng date kung hanggang kailan yan. Baka kasi maapektuhan ang mga importante mong ginagawa sa buhay. Tandaan mo, hindi sa romantic relationship natatapos ang lahat. Marami ka pang gagawin at kailangan mo pang i-fulfill ang iyong life purpose sa lupa.
2. There are Many Fishes in the Ocean– Isa pang gasgas na advice. Alam ko na hindi isda ang kailangan mo, babaeng magmamahal sayo ang kailangan mo. Yes madaming babae sa mundo. Sa Pilipinas pa lang, mas malaki ang populasyon ng mga baabe kesa sa mga lalake. So what does that mean? Yes. May mahahanap ka ding kapares, lalo na kung ang prefer mong lahi ay kalahi mo. Sila pa ang mag-aagawan sayo. Tignan mo na lang sa paligid mo o di kaya sa mga palabas sa Youtube channel about sa mga balita, ang daming lalakeng loko-loko na may mga kabit pa, at heto namang mga ibang babae ay pumapayag. Di ko sinasabing mambabae ka, di maganda yun sa ating mga lalake. I’m just showing you the basic statistics.
3. Try and Try- Subok lang ng Subok. We experience failures in life. Ang pagreject sayo ay isa lang sa mga pagsubok ng buhay mo. Minsan panalo, minsan natututo. Basted kung basted, tablado kung tablado. Tunay ka pa ding lalake kung nabasted ka.
4. Reflect About sa Nangyari- You need to take time for some quiet time. Kasi kailangan mong pag-isipan ng matindi kung bakit ka binasted? At kailangan mong iimprove ang sarili mo. Baka mamaya mabaho ka pala kaya ka binasted, edi magdeodorant ka na next time. O hindi kaya ay hindi ka naliligo, ligo-ligo din pag may time. You are blessed if sinabi sayo ng babae kung bakit ka niya binasted. Pakinggan mo sya kung nalaman mo ang reason, kailangan mong iimprove mga reason para hindi mo na ulitin sa iba.
5. Improve yourself– Improve yourself not in the sense of revenge. Tipong magpapamacho ka tapos tatablahin mo siya either magkagusto man sayo o hindi, that’s not how to improve. You improve because you love yourself. You appreciate yourself. Mag-improve para mas mahalin mo pa ang sarili mo. Tignan mo ang sarili mo sa salamin. Kung ang nakikita mo sa harapan ng salamin ay ayaw mo, baguhin mo ito.
Improving yourself will increase also your confidence. The more confident you have, kahit sandamakmak ang mambasted sayo in the future, you will not take it personally.
6. Kaibiganin mo pa din yung Nambasted Sayo– Kaibigang basted. Remember this from me. Do not dispose the girl who rejected you! Huwag kayong maniwala sa salitang disposable relationship. Kahit binasted kayo niyan, kaibiganin niyo pa din. Yes, sa una ay magkakailangan kayo dahil sa pagtatapat mo sa kanya at sa hindi pagtanggap ng iyong pag-ibig, pero huwag naman sanang dumaan sa puntong hindi mo na siya papansinin. Malay mo, ka pagkakaibigan niyo mas makilala ka niya pa at bigyan ng chance if ligawan mo ulit sya. Puwede din namang mayroon pala siyang kaibigan o pinsan na ireto sayo later on. Magkaibigan na nga kayo, natulungan ka pa nya sa makilala ang the one mo (rare scenario).
7. Accept Her Decision– Tanggapin mo ang katotohanan na ayaw nya talaga sayo. Masakit yan sa totoo lang, pero yun ang magpapalaya sayo. Huwag mo nanghabul-habolin kung nakakasakit na sa part ninyong dalawa. Lahat tayo ay may mga sariling preference at mukhang di niya yun nakita sa iyo. So di ka niya talaga type my friend.
8. Don’t Give Up (Special Case) – I note this as special case. Why. Kasi minsan don’t give up basta-basta, you need to show the lady na matatag ka at persevering sa kanya kahit tinatabla ka niya lagi. OK lang yun. They might be testing us kung hanggang saan talaga ang kakayahan natin para ipaglaban ang babaeng ating iniibig. Pero kung nakakasakit ka na, natatakot na siya sayo, ayaw ka niya makita, at diring-diri siya sayo I think its better na umatras ka na lang at humanap ng ibang makakaappreciate sa effort na binibigay mo sa babae. May deserving diyan sa effort mo kapatid.
9. Be Yourself – Kapag nanliligaw ka dapat ito kaagad ang una na nasa list mo. Magpakatotoo ka sa iyong sarili. Huwag kang maging hunyango na mapagbalat kayo tapos lalabas ang tunay na kulay kapag nakuha na ang puso ng babae. Huwag ganun brother. Magkakaroon ng disappointment sayo ang babae at baka maniwala pa ang babae na ang mga lalake ay manloloko o hindi kaya masabi niya ang mga famous line na “Walang Forever!”
The benefit of being true to yourself is that she will accept you who you are kapag sinagot ka niya. But the benefit also of being true to yourself ay possibleng yun din ang rason kung bakit ka niya irereject. But still be true to yourself. Ang tunay na taong magmamahal sayo ay ang taong matatanggap ang katotohanan na kung sino ka bilang isang lalake.
10. Be Positive- See things as blessing in disguise. May makikita kang pagpapala sa pambabasted sayo ng babae kapatid.
Love comes to those who believe it
And that’s the way it is. Parang kanta lang ni Celine Dion. But that is true. If you are in pain right now or going to encounter rejection, maniwala ka lang sa kapangyarihan ng pag-ibig. Ang pagibig ng Diyos na buhay at nag-uumapaw dahil siya ay ang mismong pag-ibig. God is Love (another cliches but it is really, really true). Don’t give-up on your faith in love. Darating din iyan. Just learn to wait.
Tandaan mo ito. NABASTED KA LANG BROTHER. There is more to life kesa sa romance. Romance is just one part of your life, you must have a life by seeking your life’s purpose.